Dear Vanezza,
Itago n’yo na lang ako sa alyas Mitch, isang misis at may isang anak. Matagal na pong hiwalay ang aÂking mga magulang pero lagi kong iniisip kung bakit sila naghiwalay. Walang umaamin sa pagkakamali nila. Sabi ng tatay ko, nanay ko ang mali. Sabi naman ng nanay ko, tatay ang nagluko. Ang hirap lang po sa mga magulang na naghiwalay, hindi nila naisip na hindi sila ang naaapektuhan kundi ang mga anak nila. Nangangamba ako na baka mangyari rin sa akin ang nangyari sa mga magulang ko lalo’t marami kaming kamag-anak ang hiwalay din sa asawa. Sa ngayon po ay maayos ang pamumuhay namin ng mahal kong asawa. Ano po ba ang pwede kong gawin para wag kaming matulad sa kanila? Hindi kaya may sumpa sa angkan namin?
Dear Mitch,
Walang pag-aasawang perpekto. Marriage is a union of two imperfect persons pero dahil sa pag-ibig, nananatiling matatag dahil pinupunuan ang kakulangan ng bawat isa. Habang naririyan ang pag-ibig at katapatan sa isa’t isa, walang mag-asawa ang maghihiwalay. Naniniwala akong hindi ka mahahanay sa mga pamilyang nawasak. Dahil ikaw mismo ang nagdarasal na huwag itong mangyari sa’yo. Mabuti na lang at may wasto kang pag-iisip para huwag pamarisan ang nangyari sa iyong sariling mga magulang. Ituloy ninyong mag-asawa ang magandang samahan at natitiyak kong hindi magtatagumpay anumang “sumpaâ€, kung meron man.
Sumasaiyo,
Vanezza