2014 Chinese Horoscope (5)

Tiger (1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)

Kung nais makaiwas sa away at intriga, mag-aral maging mapagkumbaba. Pagdating sa pera, masu­werte silang mga Tiger people. Ang 2014 ang tamang panahon para mag-invest sa bagong project or bagong tayong negosyo. Mas masipag, mas maraming pera ang darating sa iyo. Sa pag-ibig, mas masuwerte  sila sa unang anim na buwan kaysa second half ng taon. Ang matagal nang magkarelasyon ay malaki ang tsansa na magpakasal. Laging magdasal bago umalis ng bahay. Observe road safety. Ingatan ang tiyan, lower ribs at pelvic area.

Rabbit (1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011)

Bagama’t magiging lucky sa trabaho, makakaranas ka ng mga pagsubok sa trabaho na magbibigay sa iyo ng stress. Ang money luck ay mas mabuti kaysa noong isang taon. Negosyong may kinalaman sa fashion at beauty ang magdudulot sa iyo ng pakinabang. May bubukal na bagong pag-ibig sa single Rabbits. Mararanasan ng married Rabbits ang love triangle. Kakulangan sa pahinga ang magiging dahilan ng paghina ng kalusugan. Marami ang mabubuntis sa female Rabbits.

Show comments