^

Para Malibang

Kinokonsensiya sa pagkamatay ng gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Toti. May dinadala akong mabigat sa aking konsensiya na gusto kong ibahagi para kahit paano’y gumaan ang aking dibdib at magsilbi na ring aral sa mga kabataang mapupusok pagdating sa pag-ibig.

Ako po’y 23 yrs. old na ngayon. Nung ako’y 17 yrs. old, nag-girlfriend ako. Bata siya ng dalawang taon sa akin. Nabuntis ko po siya. Sa takot namin, naghanap ako ng isang abortionist at dinala ko siya doon. Inilaglag ang sanggol pero matapos ang dalawang linggo, nilagnat ang gf ko. Hindi ito gumaling hanggang sa siya’y namatay. Mahirap lang sila kaya hindi naipadoktor. Naging lihim po ang dahilan ng kamatayan niya na walang nakakaalam kundi ako. Anim na taon na ang nakalilipas pero dala-dala ko pa rin ang sumbat ng budhi.

Dear Toti,

Totoong maraming teenager ang masyadong mapusok. Hindi na nakakakilala ng mali pagda­ting sa pag-ibig. Nalilimutan nila na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Humingi ka ng tawad sa Dios at mangakong hindi na uulit para kahit paano’y gumaan ang iyong dinadala sa dibdib. Nawa’y kapulutan ng aral ng mga kabataan ang kuwento mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BATA

DEAR TOTI

DEAR VANEZZA

DIOS

HUMINGI

INILAGLAG

MAHIRAP

NABUNTIS

NALILIMUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with