2014 Chinese Horoscope

Horse (1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)

Magiging emosyunal dahil sa sobrang stress sa trabaho. Maging mapagpasensiya at mapagkumbaba para hindi maging target ng mga tsismosa at inggitera. Iwasang maging gastador. Sa Married Horses, umiwas sa tukso, or else, nasa kapalarang makipaghiwalay sa asawa. Maging extra understanding sa karelasyon lalo na sa buwan February, March, May, September at December. Mag-ingat habang nasa kalsada, pedestrian ka man or motorista. Mag-ingat din sa matalas o matulis na bagay. Ingatan ang mata, puso, blood pressure upang maiwasan ang stroke at atake sa puso.

Goat/Sheep (1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991)

Good luck year nila ngayon. Ang kasipagan sa trabaho ay magbubunga ng promosyon. Ang negosyanteng Goat ay kikita ng malaki. Makakabili ng maraming properties. Dahil sa taglay na lucky star, magiging ma-appeal ang single Goat sa opposite sex. Magiging masaya ang family life ng married Goat. Magpa-check-up pagkatapos ng Chinese New Year. Ugaliin ang paghuhugas ng pagkain bago lutuin o kainin upang maiwasan ang komplikasyon sa bandang intestine. Ingatan ang lungs. Bigyang pansin ng babaeng Goat ang kanilang reproductive system. Bigyan pansin ang road safety.  Itutuloy

Show comments