Feng shui way: Para Magbuntis ng Baby boy

Ito ay hango sa libro ni Feng Shui master, Huai Yang Ming, mula sa Taiwan. Paraan upang ang makalikha ng male energy:

Ang bedroom ng mag-asawa ay dapat na nasa North side. Ang sahig ng bedroom ay dapat na yari sa kahoy. Gumamit lang ng light color or pastel color sa wall at ceiling.

Ang kama dapat ay ilagay sa North, East at Northeast. Kung ang kama ay nasa East side, kailangang sa East uulo ang mag-asawa sa pagtulog. Para hindi malito, kung ang kama ay nasa East, ang unan ay sa East din ilagay. Sa Northeast or East ng bedroom wall  isabit ang picture ng cute na baby boy. Ang TV or Stereo ay dapat na nasa Northeast or East ng salas. Ang lampshade ay dapat na ilagay sa direksiyon kung saan nakaulo ang mag-asawa. Ang lampshade ay dapat yari sa tela.

Sa South ilalagay ang tokador.

Magdispley ng halaman sa bedroom ng nagbubunga ng yellow fruit.

Show comments