Dear Vanezza,
Ako po si Igan. Lima kaming magkakapatid, ulila sa ama at ako ang panganay na tanging inaasahan ng aking pamilya. Meron po akong gf at gusto na po niyang magpakasal kami pero hindi pa po ako handa dahil gusto ko pa pong tulungan ang aking ina at mga kapatid. Sabi ko po sa gf ko ay hindi pa ako handa at ang prayoridad ko sa ngayon ay makatapos ang aking mga kapatid. Nagalit po siya sa akin at nakipaghiwalay. Dinamdam ko yun at nagpaliwanag na bigyan niya pa ako ng sapat na panahon, pero hindi rin po niya ako pinakinggan. Ano po ang gagawin ko?
Dear Igan,
Nakakalungkot na ang taong inaasahan mong makauunawa sa’yo at dadamay ay siya pang iiwan sa’yo sa ere. Hayaan mo muna siyang “magpalamigâ€. Hindi mo rin siya masisisi kung siya’y magdamdam. Maaring para sa kanya ang pagkakaroon ng sariling paamilya ay katuparan ng kanyang pangarap. Muli mo siyang kausapin at paliwanagan. Magkasundo kayo na kahit kayo’y kasal na ay tutulong ka muna sa gastusin ng iyong ina at mga kapatid hanggang makatapos ang isa sa kanila na siya namang tutulong sa pagpapaaral ng iba pa. Nasa pag-uusap ang ikalulutas ng problema. Maraming magkasintahan at mag-asawa sa ngayon ang may ganyang set-up. Kawawa rin naman ang kanilang pamilya kung basta na lamang iiwan kapalit ng sariling kaligayahan. Kailangan lang lawakan ang pag-iisip at pang-unawa ng bawat isa. Kung ayaw niyang pumayag, nasa sa’yo kung alin ang sa tingin mo’y mas matimbang, ang pamilya o nobya?
Sumasaiyo,
Vanezza