^

Para Malibang

Gusto niyang kalimutan na siya ng gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Regie. Nahatulan ako ng kasong robbery. Ang problema ko ay kung paano hihimukin ang nobya ko na kalimutan na lang niya ako. Nakokonsensiya kasi ako sa pagkasira ng kanyang kinabukasan dahil sa matiyaga niyang paghihintay sa akin. Almost 4 years na kami bago pa ako makulong. Dahil malayo kami sa isa’t isa, sa pamamagitan lang ng sulat ang aming ugnayan. Sa bawat sulat niya ay matiyaga  niya akong kinukumusta, pinapayuhan at pinalalakas ang aking loob sa kabila ng nangyari sa aking buhay. Mahal ko po ang gf ko pero kahit ako ay makalaya wala naman akong maibibigay sa kanya na magandang kinabukasan. Ang nais ko, kamuhian niya ako at tuluyan nang talikuran kahit na magiging masakit ito para sa akin. Marami pa siyang matatagpuang iba at nanghihinayang naman ako na mapag-iwanan siya ng panahon sa kahihintay niya sa akin. Paano ko po sasabihin sa kanya na kalimutan na niya ako? Ayaw ko ring saktan siya. Pero kung patatagalin ko pa ang aming relasyon lalo lamang kaming masasaktan. Pagpayuhan mo sana ako.

Dear Regie,

Mapalad ka sa pagkakaroon ng isang nob­yang hindi tumatalikod sa sumpaan sa kabila na nakakulong ka. Karaniwang problema ng mga bilanggo ay iniiwan sila ng kanilang misis o gf, pero sa kaso mo gusto mong kamuhian ka niya para limutin ka na niya. Mahirap maghanap ng true love. Kung nakokonsensiya ka, sabihin mo sa kanya na ang inaalala mo ay ang kanyang kinabukasan, dahil sa pagtitiyaga niyang maghintay hanggang sa ikaw ay makalaya. Pero kung ako ikaw, ha­yaan mo na lang sa status quo ang estado ninyo ng nobya mo. At kung makaisip siyang humanap na ng iba, at least hindi ka magdaramdam sa kanya. Ipagpasalamat mo na nagkaroon ka ng gf na tulad niya.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

AYAW

DAHIL

DEAR REGIE

DEAR VANEZZA

IPAGPASALAMAT

ITAGO

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with