Palakasin ang iyong immune system
Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong pagkain ang makakatulong sa’yo para ikaw ay lumakas. Narito ang ilan:
Cilantro - Ang herb na ito ay mahusay na panlaban sa pagkawala ng iyong buhok. Nagsisilbi itong “purifying agent†para mailabas ang mga toxic materials sa iyong katawan. Kapag madami kasing toxic materials sa iyong katawan, hinaharangan nito na makarating sa anit at hibla ng iyong mga buhok ang nutrients mula sa iyong mga kinakain.
Salmon – Kilala ito na mahusay na panlaban sa sakit sa puso. Pinipigil ng omega-3 fatty acid ang mga stress hormones na cortisol at adrenaline na tumaas na iyong katawan na siyang nagiging sanhi ng iba’ ibang uri ng sakit.
Luya, Cocoa at Cinnamon – Ang mga pagkaing ito ay may mataas na antioxidant at anti-inflammatory effect sa katawan. Binabalanse din nito ang sugar sa iyong katawan.
Saging – Kung palaging walang gana sa sex, bakit hindi ka kumain ng saging? Ito ay may mataas na vitamin B na siyang nagpapataas ng testosterone level. Ayon kay Lynn Nezin, co-author ng Great Food, Great Sex, ang taong may mababang testosterone level ay nawawalan ng gana sa sex.
- Latest