Alam n’yo ba kung bakit ang nag-iiba ang kulay ng dahon? Ito ay dahil sa pag-iiba ng kemikal na taglay ng isang puno. Habang nauubos ang nutrient ng sanga, katawan at ugat ng puno ay nababawasan ang pagpo-produce ng isang puno ng green pigment na tinatawag na “chlorophyllâ€. Ito kasi ang sumisipsip ng init na mula sa sikat ng araw para makakuha ang puno ng energy para mapanatiling berde ang dahon nito. Kapag ang unang hanay ng chlorophyll ay nawala na, susunod na lilitaw ang secondary pigment ng dahon, kaya ang resulta, nag-iiba na ito ng kulay.