PENDULUM, fortune-telling device Last Part

Dapat tandaan sa paggamit ng pendulum:

Maging concrete at specific sa pagtatanong. Halimbawa: Maling paraan ng pagtatanong—Hindi na ba ako mahal ng aking asawa? (Sinagot mo na nang HINDI ang iyong tanong). Ang tamang pagtatanong—Mahal pa ba ako ng aking asawa?

Mga katanungang puwedeng sagutin lang ng YES or NO ang sinasagot ng pendulum.

Huwag gumamit ang pendulum kung ikaw ay magulo ang isip, ninenerbiyos o nagagalit. Ang isipan mo’y dapat na nasa neutral state, ‘yung kalmado at payapa upang maging accurate ang makuhang sagot.

Huwag kang magko-cross legs o ihahawak ang isang kamay sa kamay na may hawak na pendulum. May epekto ito sa accuracy ng magiging sagot.

Kapag nagsasagawa ng pagtatanong sa pendulum, be sure na walang electrical appliances sa iyong paligid. Alisin din sa iyong katawan ang accessories na yari sa metal.

Show comments