Nasusuklam sa misis...
Dear Vanezza,
Please call me Rogel, 42 years old. May asawa ako na ngayo’y hindi ko mapatawad sa kanyang pagtataksil sa akin. Magkasama pa kami ngunit magkahiwalay ang aming tulugan dahil nasusuklam ako sa kanya. Ang dahilan ay nagkaroon siya ng affair sa dati niyang bf ng sila’y aksidenteng magkita. Siya mismo ang umamin sa akin at huÂmingi ng tawad. Sabi niya nakalimot siya sa sarili pero hindi na niya gagawin itong muli. Ibig kong magpatawad pero iba ang dinidikta ng damdamin ko. What I feel is hatred and I’m contemplating to file an annulment of our marriage. Tama ba ang gagawin ko?
Dear Rogel,
Lahat tayo’y nagkakasala. Ang pagpapatawad ay isang desisyon na dapat gawin ano man ang nararamdaman mo. Hindi natin maiaalis na yung sugat na nilikha sa puso mo ay may kirot. Pero maghihilom din ang sugat na iyan. Ang Diyos, walang kasalanang hindi Niya kayang patawarin. At kung tayo mismo ay hindi makapagpatawad, paano natin maaasahang patatawarin tayo ng Diyos? Kung hindi mo siya kayang patawarin at ang annulment ang sa tingin mo’y magbibigay sa’yo ng kapanatagan, nasa sa’yo ang desisyon.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest