Dear Vanezza,
Ako po si Tomi, 21 anyos at isang delivery boy. May nobya po ako. Tindera siya sa sari-sari store pero sila ang may-ari ng tindahan. Pero bigla siyang nakipag-break sa akin. Kasi po pinagbawalan siya ng kanyang mga magulang. Tutol po sila sa akin. Mahal na mahal ko siya ngunit ayaw akong bigyan ng pagkakataon ng kanyang mga magulang. Kahit delivery boy lang ako ay nagsisikap naman ako. Nag-aaral po ako ng computer. Gabi-gabi ay nilulunod ko na lang sa alak ang aking sarili para makalimutan ko siya. Ano ang dapat kong gawin para maging good ako sa kanyang mga magulang? Sana po’y mabigyan ninyo ako ng payo.
Dear Tomi,
Huwag kang maglasing dahil lalo lang papaÂngit ang tingin sa iyo ng kanyang mga magulang. Hindi ba’t gusto mong maging “good†ka sa paningin nila? Marahil, concerned lang ang mga magulang ng nobya mo sa kinabukasan ng kanilang anak kaya tumututol silang makiÂpagrelasyon ito sa’yo. Sikapin mong makatapos sa kursong compuÂter at patunayang kaya mong buhayin ang gf mo pagdating ng araw. Marami riyan na walang natapos na kurso pero naging matagumpay na negosyante. Sa kabila ng pagtutol nila sa inyong relasyon, ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikap na umunlad.
Sumasaiyo,
Vanezza