Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang hotdog ay isa sa mga pagkaing baon ng mga tao sa loob ng Apollo moon flights? Noong unang panahon, ang carrots ay  itinuturing na “aphrodisiac” ng mga Greeks at Romans. May 3,500 ethnic restaurants sa New York City.  Tanging ang asin ang sangkap sa pagkain na hindi tumataas ang presyo sa loob ng 150-taon.  25% ng mga Amerikano ay kumakain ng kanilang agahan sa loob ng sasakyan. Ang Italy ang bansang gumagawa ng pinakamaraming wine sa buong mundo. Ang gulay ay inaani tuwing umaga o hapon, dahil kapag tirik ang araw, ito ay mabilis malanta at mawawala ang ganda ng kulay nito.

Ang bride na nakapagsuot ng pinakamahabang wedding gown sa buong mundo ay isang 25-anyos na Chinese mula sa Zhao Peng, China, nang siya ay ikasal noong Agosto 6, 2009. Ang kanyang gown ay may haba na 162 metro na tinahi sa kamay ng pamilya ng kanyang magi­ging mister. Dinisenyuhan ito ng 9,999 na pulang rosas na gawa naman sa silk.

 

 

Show comments