Maraming gulay ang nakakapagbigay sa katawan ng benepisyo at isa na sa mga ito ay ang talong. Anu-ano nga bang pakinabang ng ating katawan sa pagkain ng talong. Sa pagkain ng talong, nakakakuha ang ating katawan ng iron, calcium at iba pang minerals na mahalaga sa katawan. Mahusay din itong pampatalino, ngunit tandaan, na nasa balat ng talong mga bitamina nito, kaya hindi dapat balatan o hindi kainin ito. Nagtataglay din ng fiber ang talong upang mabigyan ng proteksiyon ang ating bituka, kaya kung regular na kakain ng talong, tiyak na makakaiwas ka sa pagkakaroon ng sakit na colon cancer. Mababa ang taglay na calories ng talong at wala itong fat pero mataas ang fiber kaya agad kang nakakaramdam ng pagkabusog.
Nakakatulong din ang talong sa sa mga nagtataglay ng sakit na dia- betes. Sa makabagong pag-aaral, nadiskubre ng mga eksperto na kaya nitong kontrolin ang taglay mong diabetes dahil sa fiber nito at mababang carbohydrates. Napapababa rin nito ang bad cholesterol sa katawan kaya naman mahusay din ito para maiwasan mo ang sakit sa puso. Pero, dapat lutuin mo ito sa tamang paraan. Sa halip na iprito mo ang talong na iyong kakainin, mas mabuti pa kung ito ay ibe-bake mo na lang sa init na 400 degrees para mailabas nito ang masarap na lasa at makuha mo ang mga benepisyo nito. Hindi lang cholesterol mo ang maisasalba ng talong kundi maging ang pagtaas ng iyong blood pressure dahil sa taglay nitong bioflavonoids na kumukontrol din sa iyong stress. Dahil sa vitamin K din nito, maiiwasan mo ang pamumuo ng dugo sa iyong ugat.
Kung babalikan ang kasaysayan, ang talong ay orihinal na nagmula sa India at sa China naman lumago at nakilala bilang pagkain sa China noong 5th century B.C. Nakilala naman ang talong sa India noong middle ages. Sa ngayon ang Italy, Turkey, Egypt, China at Japan ang nangungunang supplier ng talong sa mundo.