^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (29)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

UMIIYAK ang congressman at hindi makapaniwala ang padre. “M-mangungumpisal ka n-ng mga kasalanan mo sa bayan?”

Tumango ang luhaang tiwaling official. ”Corrupt na corrupt po ako…kabikabila ang ginawang pagkupit sa pondo ng bansa, noong sekretaryo pa ako ng  public works…”

Napalunok ang padre. “G-gusto mo bang sa kumpesyonaryo ito ituloy, congressman?”

Umiling ang corrupt. “Public confession po ito. Mas maraming makaalam at makasaksi, mas mabuti…”

Nasa reception area pa rin sila ng sauna parlor. Nanonood-nakikinig ang ilang tauhan doon, pati mga sauna girls. Pinalapit pa sila ng lumuluhang regular customer.

Sa utos na rin nito, ang pangungumpisal ay kukunan ng video.

Ang digicam ng sauna parlor ang mismong gagamitin.

Pumayag ang padre pero ang mga tauhan ng sauna, laluna ang mga sauna girls, ay nakatalikod sa kamera; hindi ikinararangal ng mga ito ang trabahong kontrobersyal.

“Ako po, si Pablo Curicot, beterano ng maraming kongreso,  dating public works secretary noong araw, ay nagkukumpisal…”

Hindi na yata humihinga ang mga nakakasaksi. Welcome na welcome sa kanila ang gagawing pagtatapat ng pulitikong alam nilang super-corrupt.

Munti mang simpatiya ay wala silang madama para sa regular customer na ito na malaking mag-tip.

Ang alam nila’y kabilang ito sa mga nagnanakaw sa pera ng bansa.

“Ang tawag po sa akin noon sa mga okasyong ako ang guest speaker ay Honorable Pablo Curicot. Pero sa talikuran po, alam kong tinatawag nila akong si Pablo Kurakot…garapal kasi akong mangurakot, ladies and gentleman…kapalmuks.”

Nagngingitngit nang lihim ang mga nakikinig, kabilang na ang padre, nagtataka kumbakit sa nagdaang maraming taon ay nakalusot ang walang kunsensiyang taong ito.

“Marami po kaming proyekto noon na roads and highways, sa mga probinsiya…pero alin po sa dalawa ang nangyari: either tinipid po namin nang husto ang road projects o kaya ay wala naman talagang ipinagawa kahit nalaanan na ng pondo—ghost projects po ang tawag…” ITUTULOY

                             

BRVBAR

HONORABLE PABLO CURICOT

MARAMI

MUNTI

PABLO CURICOT

PABLO KURAKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with