^

Para Malibang

‘Coconut oil’ Para sa Iyong Kalusugan

Ms. Jewel - Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong benepisyong “coconut oil” sa katawan ng tao. Narito pa ang ilan:

Kidney – Mahusay din ang coconut oil kapag ikaw ay may sakit sa kidney at gall bladder dahil tumutulong itong tunawin ang iyong kidney stones.

Nakakaalis ng stress – Masarap sa pakiramdam kapag hinahaplusan ka ng coconut oil kaya naman mabuti itong pangtanggal ng stress. Kung magpapamasahe gamit ang coconut oil sa iyong ulo patungo sa iyong katawan, tiyak na maaalis ang iyong stress.

Diabetes – Tumutulong ang coconut oil para makontrol ang iyong blood sugar at pataasin naman ang insulin sa iyong katawan kaya naman maiiwasan mo ang diabetes.

Buto – Dahil ang coconut oil ay tumutulong upang ma-absorb ng katawan ang mga mahahalagang bitamina at minerals gaya ng calcium at magnesium, maiiwasan ang mabilis na pagrupok ng iyong buto, lalo na sa mga kababaihan na madaling kapitan ng osteoporosis at magiging matibay maging ang iyong mga ngipin.

Alzheimer’s disease – Dahil mahusay ang coconut oil sa utak ng tao dahil sa taglay nitong mga minerals, nakakatulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s disease. Bagama’t wala pa umanong konkretong ebidensiya na panglunas sa nasabing sakit ang coconut oil. Pero, napatunayan naman na malaki ang naitutulong ng coconut oil para magkaroon ng sharp memory.

BAGAMA

BUTO

COCONUT

DAHIL

IYONG

MAHUSAY

MASARAP

NAKAKAALIS

OIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with