“TATAWAG po ba ‘kanyo ako ng pari, congressman? D-dahil may multo rito?†paniniyak ng sauna girl.
“Oo, ‘day! Huwag kalimutan ang holy water! Bilis!â€
Napapakamot ng ulong umalis na sa cubicle ang sauna girl.
Naiwan ang corrupt sa presencia ni Arlene. Nagbabaga sa galit ang mata ng magandang multo.
“Teka muna, m-miss ghost, hindi naman ako sagad mangurakot, e! May mga actual projects ako—hindi tulad ng iba na puro ghost projects!†Kinakalaban ng politico ang takot.
“May project kang puro tinipid ang materyales, pero super-mahal naman ang presyo! Kaylaki-laki ng kickback mo mula’t sapul kang manungkulan! Kasabwat mo ang mga kontraÂtistang wala ring kunsensiya!â€
“Oh, c’mon, miss ghost. Give me a break. Gusto mo tulungan ko ang parents mo? Pera, bahay, anything!â€
Nagtimpi si Arlene. “Aarukin ko ang paÂnanaw mo, congressman. Sasagot ka sa tanong ko.â€
Nabuhayan ng loob ang tiwali. “Interview portion? Okay!â€
“Ano ang masasabi mo sa looting sa ilang bayan na nasalanta ni Yolanda?â€
“Bilang mambabatas, a lawmaker, dapat na ikulong ang mga magnanakaw na ‘yon! Wala silang karapatang mag-loot!â€
“Congressman, ang mga taong ‘yon ay nagugutom kaya nagnakaw ng pagkain. Ikaw, ang mga kauri mong lawmaker kuno, kahit hindi nagugutom at nananagana at nasa airconditioned house, ay nagnanakaw—sa pondo ng bayan!â€
“Oh, c’mon, miss ghost…huwag ka na bang makialam. Be dead, patay ka na, e. Rest in peace ka na lang…â€
Sinapak ni Arlene sa malaking tiyan ang corrupt. BOG.
“Aray ko! Ano ba!â€
Inginudngod ito ni Arlene sa floor ng sauna. “Hayup ka! Walang kunsensiya!â€
“Aray-araaay! Pulis! Puliiiss!â€
Nagtatakbo ito sa reception area ng sauna parlor, nakatapi lang ng tuwalya. “Minulto ako! May multo dito!â€
Dumating ang sauna girl na kasama na ang banal na tao. “Narito na po si Father, congressman!†(ITUTULOY)