Mas bata ang bf

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Wyna, 49 years old at isang biyuda. May bf ako na 23 years old. Pinagsa­sabihan ako ng aking mga kaanak na alangan daw ang edad namin. Sabi naman ng mga kaibigan ko, walang masama dahil mukha naman akong bata at maganda. Totoo ang sinasabi nila na maganda ako dahil hindi ako nagkaanak sa aking namatay na asawa. At naniniwala naman akong mahal ako ng nobyo at katunayan ay balak naming magpakasal. Tama ba ang plano namin?

Dear Wyna,

Legally, walang hadlang sa inyong relasyon. May kasabihan din na age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig. Pero may ilang bagay na dapat mong alalahanin. Maganda ka ngayon at 49. Pero paano after 10 years na halos senior citizen ka na? Bagay pa kaya kayo? Hindi kaya magmukhang nanay ka ng iyong bf? Kung magkagayon, handa ka bang pagtinginan ng tao at mapagkamalan ka­yong “mag-ina”? Dapat mo ring isipin ang posibilidad na humanap ng kanyang ka-edad ang iyong bf. Alam mo, ang lalaki ay lalong lumalakas ang appeal habang tumatanda. Pero kakaiba ang babae. Sabi nila, habang tumatanda raw ang isang babae, nagmumukhang trying hard kapag nagpapaganda upang humabol sa edad ng kapartner. Huwag naman sanang dumating ang araw na ayaw ka na niyang kasabay dahil sa agwat ng edad ninyo. Iyan ay paalala lang.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments