Para kay ate ngayong ‘holiday’

Sumapit na ang mga “ber”months at ito ay kilalang bilang panahon na masyadong abala ang mga tao. Maraming mag-asawa o mag-partner ang nag-iisip kung anong magandang regalo maaaring ibigay sa kanila. Narito ang ilang paraan na tiyak na magugustuhan niya:

Isang masarap na pagtulog – Isa sa mga problema ng mga babae ay ang hindi pagkakaroon ng  masarap na pagtulog kaya ang resulta ay isang malaking eye bag sa mata. Kung mabibigyan mo nito si ate, tiyak na magiging masaya siya ngayong holiday.

‘Back massage’ – Ang paglalaba at pagdadala ng mga bags ng groceries ay talaga naman masakit sa balikat. Bukod pa ang pagbibitbit ng bag ng mga bata. Kaya pagdating ng gabi, bakit hindi mo siya bigyan ng isang “hot massage” sa kanyang likuran para maibsan ang maghapong pagod.

Ipagluto siya – Sa buong taon, si ate ang nagluluto para sa buong pamilya. Bakit hindi mo siya ipagluto ngayong holiday!

Day-off sa hugasan – Masarap sa pakiramdam minsan ng mga babae na makitang kinukuha ng kanilang esposo ang kanilang trabaho para sila ay makapagpahinga man lang. Kaya sa Pasko o Bagong Taon, huwag lang pagluluto ang gawin mo, maghugas ka din ng plato.

Maglakad – Minsan, mas masarap ang maglakad-lakad lalo na kung nasa isang lugar kayo na tahimik at walang polusyon gaya ng tabing dagat o park. May pagkakataon pa nga na mas mabuti ito kaysa sa  pagde-date sa isang mamahaling restaurant. Dahil mas masarap mag-usap sa isang preskong kapaligiran.

Show comments