Alam n’yo ba na ang opisyal na tawag sa sakit ng ulo kapag kumakain ng ice cream ay “sphenopalatine ganglioneuralgia� May mga tao kasing sumasakit ang ulo kapag kumakain ng ice cream. Ito ay dahil nagre-react ang blood vessel spasm mo sa oras na malamigan ito. Nahaharangan ng spasm ang pagdaloy ng dugo sa iyong ugat kaya ito namamaga. Ang sakit na ito ay gaya ng migraine. Para maiwasan ang pananakit ng ulo, kumain ng ice cream ng dahan-dahan lang. Ang pagtawa ay katulad rin ng pag-eehersisyo? Dahil kapag ikaw ay tumatawa, ilang porsiyento ng calories ang nasusunog sa iyong katawan. Lalo na kung medyo matagal ang ginawa mong pagtawa. Daig mo pa ang nag-gym ng isang oras. Nakakabuti ito sa pagdaloy ng iyong dugo. Nadiskubre sa pag-aaral na mga taong mahilig manood ng mga nakakatawang palabas ay mas maganda ang daloy ng dugo kumpara sa mga taong nanonood ng drama.