^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NARINIG n’yo ba ako, Inay? Ang mga tao hong sangkot sa pandarambong sa bayan ay mga walang kunsensiya. At ang gaya po nila ay pinapatay,” ulit ng multo ni Arlene.

Pero hindi  nga ito napapakinggan ng inang taimtim na nakikiusap. Wala nang kakayahan ang multo na marinig ng mababait.

Maging si Mark na katabing nananalangin ni Aling Inday ay hindi naririnig si Arlene.

Lalunang hindi nakikita ng dalawa ang presencia ng multo.

“Biruin naman ninyo, Inay…klaro na bil­yon-bilyon ang hala­gang nawala o nawaldas, na nasa kanilang pangangalaga bilang mga halal ng bayan. Pero ano ang depensa nila? Hindi raw sila nagnakaw, wala silang alam sa isyu, pineke ang lagda nila.

“Ang klaro lang, Inay, nawawala ang bil­yun-bilyon at walang umaamin ng pananagutan!”

Hindi nga siya naririnig nina Mark at Aling Inday.

Si  Aling Inday ay patuloy na nakikiusap. “Inuulit ko, Arlene, anak… huwag mo na silang itulak sa pagpapakamatay…hayaan mong ang hustisya ng mga nabubuhay ang lumutas sa kaso ng kurakot at pandarambong…

“Magpakita ka sa mga sangkot pero huwag mong patayin—bagkus, pakiusapan mo ngang isoli ang mga ninakaw…”

Naunawaan na ng multo na hindi siya naririnig ng nanay at ng boyfriend. Nanlumo. 

Gayunma’y niyakap ang ina, buong pagmamahal at pananabik.

Natigilan si Aling Inday, nagtaka. Nadama ang malamig na pagsakop ng hangin.

Napansin ni Mark ang pagkalito ng ginang.“B-bakit po, Aling Inday?”

“Niyakap ako ng anak ko, Mark…n-narito si Arlene…”

“Ho?”

Si Mark naman ang masuyong niyapos ng multo ng nobya.

Napalunok ang binata, naramdaman ang malamig na presencia.

“N-narito nga siya, Aling Inday…n-nadinig ni Arlene ang pakiusap ninyo…” maya-maya’y sabi naman ni Mark.

“Arlene, anak…I miss you so much…”

“Ako rin, Arlene. Mahal na mahal kita…”

Umalis na ang multo. Kaydami pang sisingilin. (ITUTULOY)

 

ALING

ALING INDAY

ARLENE

BIRUIN

BRVBAR

GAYUNMA

INAY

PERO

SI MARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with