^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (13)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

THREE corrupt politicians in a row ang magkakasunod na nagpatiwakal, matapos umamin sa kasalanang pandarambong.

Tuwang-tuwa ang maraming tao; ang hindi raw magawa agad ng hustisya ay ginawa na ng tadhana.

“Tapos ang kaso, di ba, Pareng Undoy? Umamin ang mga mandarambong saka nagpakamatay. Iyan ang tinatawag kong divine justice,”  masiglang sabi ng respetableng principal ng public elementary school. “How I wish na magsunud-sunod na sila.”

“Sumalangit kaya ang kanilang kaluluwa, Mareng Winnie?” sarkastikong tanong ng balikbayan. Abot sa abroad ang bahong nagaganap sa kaban ng bayan.

“Bahala sa kanila si Lord, Pareng Undoy.”

LABIS nang nag-aalala si Mark, ang boyfriend ni Arlene. Napansin na ng binata ang sunud-sunod na pagpapatiwakal ng mga tiwaling pulitiko.

“May kinalaman ka ba sa kanilang suicides, Arlene?” tanong ni Mark sa larawan ng nobya.

Naalala niya ang sabi noon ni  Arlene. “Kapag ako’y namatay nang maaga, papatayin ko rin sila!”

Napatay ang dalaga habang tumutuligsa sa mga corrupt; binaril ito ng bayarang gun man.

Napalunok ang binata, masuyong hinagkan ang larawang nasa kuwadro. “I miss you so much, Arlene.”

Napakaganda ni Arlene sa larawan. Buhay na buhay, puno ng pag-asa.

“May kinalaman ka ba sa pagpapatiwakal ng mga mandarambong, ha, Arlene?”

Kung puwede nga lang bang sumagot ang nasa larawan. Gustung gustong makipagkomunikasyon ni Mark sa yumaong nobya.

How he wishes na sana’y may telephone line siya sa Langit.

“Here’s the deal, Arlene. Magpapakita ka ng sign sa akin. Kapag nakita ko ang sign, it means may kinalaman ka nga sa pagsu-suicide ng mga ulul na mandarambong…”

Simple ang sign na hiniling ni Mark. “Kapag biglang umulan bukas ng umaga, it means yes-- may kinalaman ka nga sa suicides.”

UMULAN kinabukasan ng umaga. Gitlang-gitla si Mark. “Oh my God! Ikaw nga, Arlene!”  (ITUTULOY)

ABOT

ARLENE

BAHALA

BUHAY

GITLANG

HOW I

KAPAG

MARENG WINNIE

PARENG UNDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with