^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

WALANG kaalam-alam ang nagsesesyon na mayor at mga konsehal na may uninvited guest sila. Ang ghost o ispiritu ni Arlene.

“Gagawa tayo ng proyekto na magpapaunlad sa ating bulsa, eheste sa ating lunsod pala…”

Pawang kaalyado ng mayor ang mga councilors, napangiti lang ang mga ito sa simpleng pagpapatawa ng punong-lunsod.

Si Arlene ang gigil na gigil, matalim ang titig sa mayor; alam na ito ang pinakamalaking mangurakot sa pondo ng siyudad.

Kickbhack ang tawag. Kakutsaba ang contractor sa proyekto, maglalaan ng napakalaking pondo pero may malaking porsyento ang nanunungkulan.

‘Commissioners’ ang tawag sa kanila ng mga kritiko; mahilig daw kasi sa komisyon ang mga ito.

Dating opisyal sa national government ang nakaupong mayor, corrupt na corrupt sa nagdaang mga administrasyon.

Political butterfly kasi, palipat-lipat ng partido. Masasabing may charisma ito kaya hindi nawawalan ng puwesto.

Ngayon nga’y mayor na ito ng malaking lunsod.

“Mga konsehal ko, alam n’yo ba na pagkatapos ng term ko ay magre-retire na ako for good?  Magiging plain citizen na ako ng republika. Malinis ang pa­ngalan kong lagi na lang kinakaladkad ng mga kritiko sa iba’t ibang anomalya…”

Napamura ang ispiritu ni Arlene, alam na nagsisinungaling ang mayor; talagang lumustay ito ng daang-milyong piso na pondo ng bayan sa nagdaang siyam na taon.

Ang napansin ng mga konsehal, biglang pumilig-pilig ang mayor, namutlang parang papel.

“Mayor, are you alright po?” nag-aalalang tanong ng isang konsehala.

Nakatutok ang tingin ng iba pang miyembro ng city council. Bigla kasing naging weird ang anyo ng mayor—parang pusang hindi maihi.

Tumayo ang mayor, humarap sa kongkretong wall ng session hall.

“Mga konsehal, tama ang mga kritiko ko—nagnakaw ako ng higit sa sandaang milyon sa pera ng bayan!” deklara nito.

Napatanga ang mga konsehal na karamihan ay matitino, idealistic pa.

Hindi nila nahulaan ang sunod na ginawa ng mayor. Bigla itong tumakbong payuko, ibinangga sa concrete wall ang ulo. (ITUTULOY)

ARLENE

BIGLA

GAGAWA

KAKUTSABA

KICKBHACK

MAYOR

SI ARLENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with