Natukso kay hipag

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Erwin. Nagkaroon ako ng relasyon sa  mismong kapatid ng aking misis. Three years na kaming kasal ng misis ko at ilang buwan na ang nakakaraan, magmula nang lumuwas ng Maynila ang aking hipag ay na-develop kami sa isa’t isa. Hiniwalayan niya ang kanyang asawa na nasa probinsiya dahil babaero raw. Ngayo’y nakokonsensiya ako. Hindi ko alam kung papaano tatapusin ang aming relasyon.

Dear Erwin,

Hindi pa naman malalim ang inyong relasyon dahil kamakailan lang nag-umpisa. Natitiyak ko na kapwa lang kayo natukso at puwede pang ituwid ang pagkakamali. I’m sure papayag siyang wakasan ang inyong bawal na relasyon dahil kapatid n’ya ang apektado. Huwag n’yo nang hayaang lumalim nang lumalim ang inyong napasimulan. Ngayon pa lang ay tapusin mo na ang relasyon sa kanya. Walang magandang ibubunga iyan kundi pagkawasak hindi lamang ng inyong pagsasama ng iyong asawa kundi pagkasira din ng isang pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments