NAPA-SIGN of the cross si Mark. Nangilabot siya sa sinabi ni Arlene. “Ano ka ba? Ni sa biro, huwag mong sasabihing mamamatay ka nang maaga. You are too young to die, babe…â€
“Marami nang galit sa akin, alam mo ba ‘yon, Mark? ‘Yung mga taong nasasagasaan ko sa aking speeches during peace rallies, ‘yung mga galit sa blogs ko tungkol sa pork barrel…’yung mga taong nakikinabang sa mga corrupt politicians…†“Kaya nga, Arlene, mag-low profile ka.†Nakikiusap na si Mark sa magandang nobya.
Umiling ang dalagang may sariling isip. “Hindi puwede. Never akong paaalipin sa takot na mapatay ng mga taong tiwali. Sabi nga ni Ka Doroy sa kanyang newspaper column noon—kapag daw ang isang tao ay nagpaalipin sa takot, halimbawa’y sa pagsakay sa eroplano, para na rin daw patay ang taong ‘yon, Mark.â€
“Hmm, malalim pero gets ko. Huwag matakot, live your life…pero iba na rin ‘yung nag-iingat, babe.â€
Naka-schedules na ang pagsasalita ni Arlene sa iba’t ibang pagtitipon ng mga kontra-korupsyon. Paborito siyang imbitahin ng mga organizers; nakakokonekta sa masa laluna sa kabataan si Arlene.
Lalo namang dumarami ang mga taong galit sa kanya; they hate her guts; kinasusuklaman ang pagsasabi ni Arlene ng katotohanan.
“Arlene, marami ka nang death threats…utang na loob,†halos pagmamakaawa na ni Mark. “Paano kung totohanin nila?â€
“Di ba nga sabi ko, Mark—kapag ako’y napatay o pinatay, papatayin ko rin silang mga corrupt!â€
“Iyan pa ang ridiculous, e. Paano kang papatay kung patay ka na?â€
Napantastikuhan sa tanong na iyon si Arlene. “Hindi ka pala naniniwala na may afterlife? Na may kabilang buhay?â€
“Of course, naniniwala ako. Pero hindi ako naniniwala na ang spirit ay makagagawa pa ng gulo sa affairs ng mga buhay, Arlene. Once you’re dead, wala ka na sa daigdig; nasa ibang plain of existence ka na.â€
Napabuntunghininga si Arlene. “Basta, sisiÂngilin ko ang mga corrupt kahit patay na ako…â€
KINABUKASAN, habang nagsasalita sa entablado at bumabatikos sa corruption, si Arlene ay binaril ng assassin. BANG. (Itutuloy)