Alam n’yo ba na ang mga locusts ay kumakain din ng maliliit na insekto at hayop sa oras na wala na silang makaing halaman o gulay? Umaatake ang mga locusts kapag sobrang init ng panahon at walang ulan kaya naman agad silang bumubuo ng isang malaking grupo ng locusts at saka aatake sa mga pananim. Pero, hindi naman puro perwisyo ang idinudulot ng mga locusts o tipaklong kapag sila ay kakaunti lang ang bilang, dahil sa totoo lang kumakanta pa sila kapag maganda ang panahon sa gabi ng tag-araw. Kapag sila ay nagtutungo sa ibang lugar, kumakain ang mga tipaklong ng dami ng halaman na kagaya ng kanilang timbang.