Last Part
Mga kabutihan ng paggugupit ng buhok sa paligid ng “birdâ€
1. Masarap sa pakiramdam
2. Nakakaalis ng hindi magandang amoy
3. Maiwasan ang pangangati
4. Nakakabawas ng pamamasa na nagdudulot ng yeast na pinagmumulan ng impeksyon
Karamihan sa mga kalalakihan ay nag sasabi na kailangang kuskusin ang iyong “bird†ng maigi upang matiyak ang kalinisan. Pero ang gawing ito ay mali dahil isa ito sa bahagi ng kalalakihan na pinaka sensitibo kaya ibayong pag-iingat ang kinakailang sa paghuhugas ng “birdâ€. Gumamit ng sabong hindi gaanong matapang upang maiwasan ang iritasyon at rashes sa iyong “birdâ€. Panatilihing laging tuyo ang labasan ng ihi. Gumamit ng maligamgam na tubig at lagyan ng konting asin. Kung may patuloy na pamumula at iritasyon ay kinakailangang kumunsulta agad sa iyong pinagkakatiwalaang doctor. Kung ang isang lalaki ay aktibo sa pakikipagtalik sa iba’t ibang partner marapat na magkaroon ng buwanang pag-check up sa iyong genental upang makatiyak ang kaligtasan sa “Sexually Transmitted deasesâ€.
Isa rin ang bayag sa pinakasensitibong bahagi ng katawan ng lalaki. Narito ang ilan sa mga gabay sa pangangalaga ng bayag (scrotum) ng “birdâ€;
1. Iwasan ang masyadong masisikip na pang-ilalim na damit, salawal o pantalon.
2. Laging magsuot ng pang-ilalim na gawa sa telang cotton at nagbibigay suporta sa bayag.
3. Magpalit kung basa o napawisan ang pang-ilalim na suot.
4. Magsuot ng angkop na proteksyon at suporta tulad ng athletic cups kapag may gagawing mabigat na trabaho at lalahok sa mga palaro.
5. Kinakailangang obserbahan ang mga patak ng pagdidiskarga mula sa ari ng lalaki: ito ay maaaring maging makapal at madilaw o maaaring ito ay matubig o bahagya lamang.
6. Pagbabago sa amoy (masansang na amoy) o kulay ng semen
7. May nararamdamang kirot habang nakikipagtalik o kapag umiihi o nag-e-ejaculate
8. May nararamdamang kirot o pananakit sa pelvic area.
9. Chancer sores (mga red sores na hindi masakit) sa genetal area, anus, dila at lalamunan
10. Kulay-balat o mamula-mulang bukol, sores o maliliit na sugat sa balat ng ari na maaaring makati at maaari rin namang hindi ito makati.
11. Maliliit na blisters na maaaring maging scabs o mala-gilas sa genetal area
12. Malalambot, kulay-balat, mala cauliflower na warts sa palibot ng genetal area.