Nagkunwaring binata

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ver, 40 years old. Ang problema ko ay nangako ako ng kasal sa isang babae. Dahil dito isinuko niya sa akin ang kanyang pagkababae. Pero hindi niya alam na may asawa na ako at 3 anak. Namomroblema ako ngayon dahil buntis siya at sinisingil niya ako sa aking pangako. Ano ang gagawin ko?

Dear Ver,

Mahirap ang problema mo pero dapat magpakalalaki ka at harapin ito. Magsabi ka nang totoo sa babae na may asawa ka na at hindi mo siyang puwedeng pakasalan. Gawin mo ito bago pa makarating sa kaalaman ng misis mo. Ang tanging magagawa mo lang ay sustentuhan ang batang isisilang niya na anak mo. Maging aral sana yan sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments