Walnut para sa iyong kagandahan (1)

May iba pang paraan para mapigilan mo ang iyong pagtanda at mapantili ang kagandahan. Ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng walnut. Oo, iba’t ibang uri ang mga nuts at nagtataglay din ang mga ito ng sangkap na nagbibigay sigla sa itura ng tao. Narito ang ilang benepisyo ng walnut:

Napipigilan ang pagtanda – Ang walnut ay mayaman sa antioxidants na tumutulong para maging sariwa ang iyong balat. Ang mga antioxidants na ito ay nagpapadami rin ng collagen para magkaroon ng cell repair ang iyong balat. Dahil dito, pipigilan nito na kumulubot ang iyong balat para maging bata ka pa rin tingnan. Kumain ng sapat na dami ng walnuts o di kaya ay magpahid ng walnut oil sa mukha araw-araw.

‘Glowing skin’ – Ang walnuts ay mayroong chemical properties na nagbibigay sigla para sa mas maayos na daloy ng dugo. Dahil dito, naisu-supply ng maayos ng dugo ang oxgygen at nutrient sa iyong katawan. Nagbubunga ito na magkaroon ng “glowing skin”. Kumain lang ng 3-4 walnuts kada araw sa iyong meryenda at tiyak na ikaw ay gaganda.

Show comments