‘The Kiss’ (40)

“BENDITADO na ang bala mo at baril, Sam, sa ulo mo patamaan ang vampire!” Pasugod na sa guho ang padre at si Sam.

Nakakasa na ang sandata ng binata; hawak na ng alagad ng Diyos ang genuine holy water.

“Lumilindol, Father Renzo! Napakalakas!”

“Naglalaban ang puwersa ng masama at mabuti, Sam! Sugod!”

Nagbabagsakan ang natirang haligi ng guhong simbahan Umaalimbukay ang alikabok; tumutumba ang mga punong kahoy.

Nakapasok na sila sa guho, halos mabagsakan ng haligi. “Hayun sila, Father Renzo!”

Nakita nilang yumuyugyog ang katawan ni Natalie; hindi nila makita ang kaluluwa.

“Kampon ng diyablo, inuutusan kitang palayain ngayundin si Natalie!”sigaw ng padre.

Iniumang ni Sam ang elephant gun sa noo ng vampire. “Benditado ang bala ko, katapusan mo naaa!” “Mga ulul, huli na kayo! Sumanib na sa katawan ni Natalie ang kaluluwa niya! Tagumpay ako!” Bago pa nakakilos sina Sam at Father Renzo, palipad na ang vampire, tangay si Natalie. “Paalam, mga ugok!” BLAAMM. BLAAMM. Namaril si Sam, pero hindi tumama. Nagwisik ng holy water ang padre, pero hindi inabot ang vampire.

“BUKAS, BILOG ANG BUWAN, MAGI­GING BAMPIRA NA SI NATALIE!” sigaw pa ni Vincento.

Naulit ang kabiguan ng padre at ng binata,  nakatingala sila sa napakataas nang vampire at katauhan ni Natalie.

“Born losers tayo, Father Renzo…shit!”

“Don’t say bad words, Sam…May bukas pa.”

“Bukas na ho ang full moon, Father Renzo! Jesus, saan natin hahanapin ang vampire at ang nobya ko?” Nais na yatang iumpog ni Sam ang ulo sa pader.

SA  sentro ng Pugad-Lamok lumapag sina Vincento at Natalie; umistambay sa madilim na public plaza.

“Vincento, huwag mo akong ga­wing bampira, utang na loob,” sabi ni Natalie, nakikiusap. Mistulang normal nang tao ang bangkay na nabuhay—dahil sinaniban na ng kaluluwa ni Natalie.  (TATLONG LABAS!)

 

 

 

 

 

 

Show comments