Paano Managinip ng Lottery Numbers?

1 – Verbal Programming

Habang nakahiga at nagpapaantok, paulit-ulitin ang phrase na “Ngayong gabi ay mapapanaginipan ko ang lottery numbers na magbibigay sa akin ng jackpot prize.” Nasa iyong desisyon kung gusto mong malakas o sa isip lang ang pag-usal ng phrase. Bakit kailangang paulit-ulit? Upang mabigyan ng malinaw at direktang instruction ang subconscious mind kung saan hinahabi ang ating napapanaginipan.

2 – Visual Programming

Manood ng lottery draw sa TV. Ito ang magiging basehan mo kung paano ka magre-react, in case, manalo ka sa lotto.

3 – Physical Preparation

Bago matulog, ihanda mo ang pad at pencil sa tabi ng iyong higaan upang kapag may nakitang numero sa panaginip, mabilis mo itong maililista. Kung minsan, mabilis na nakakalimutan ang panaginip pagkaraang magising. Sweet dreams and good luck!

Show comments