ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na ang naging mister ng kauna-unahang Ms. Universe noong 1952 ay isang Pinoy? Ang Ms. Universe na si Armi Kuusela  ng Finland ay naging may-bahay ng negosyanteng si Virgilio Hilario. Nagpakasal ang dalawa isang taon matapos na makoronahan bilang Ms. Universe si Kuusela.

Unang nanalo si Kuusela sa Beauty Pageant sa kanilang bansa noong Mayo 24, 1952.

Nanalo siya dito ng isang kahon ng chocolates, gold bangle at two-way ticket mula sa Pan American Airways patungong United States.  Sa kauna-unahang Ms. Universe Pageant ay 30-contestants mula sa iba’t ibang bansa ang sumali dito noong June 28, 1952, kung saan siya ay 17-taong gulang lamang at may bigat na 108 lbs o 49 kg at may taas na 1.65m o 5’5.

Show comments