UMUULIT sa isip ng kaluluwa ni Natalie ang paalala ng anghel dela guardia. “Malapit sa daigdig ang buwan na pupuntahan mo, Natalie, mag-ingat ka sa puwersa ng kasamaan.â€
Confident naman ang kaluluwa. Dadagdagan niya ang pag-iingat habang naglilibot sa buwan.
Kaydali niyang nakalapag doon. Inasahan na niya ang bakubakong kalupaan ng buwan.
Tama ang nasa mga libro ng siyensiya—maituturing na dead o patay ang buwan. Wala isa mang senyales ng buhay doon.
Walang hangin, walang tubig, walang tanim.
Hindi mapatunayan ng kaluluwa kung magaang ang timbang ng tao roon, kasi nga’y ispiritu siya.
Tinanaw niya agad ang pinakamalapit na planeta mula sa buwan—ang daigdig. Napabuntunghininga ang kaluluwa.
Super-ganda sa kanyang paningin ang daigdig. Hindi malilimutang dito siya isinilang at nabuhay.
Bigla ay nakadama ng lungkot ang kaluluwa ni Natalie. Biglang naisip na wala siyang permiso na magbalik sa daigdig.
Actually, walang saktong pagbabawal. Ipinaunawa lang sa kanya ng mga nasa Itaas na wala na siyang business na pumunta o kahit mamasyal sa daigdig. More than enough na nga naman na siya ay nasa paraiso na.
SA GUHO ng lumang simbahan, napaigtad si Vincento-- napatanaw sa crescent moon. Ang signal niyang kayang umabot sa purgatoryo at impiyerno ay pumipintig, nagbibigay ng impormasyon sa kanyang diwa.
“Nandoon ang kaluluwa ni Natalie! Sinuswerte ako!â€
Namamasyal sa buwan ang ispiritu ng bangkay na binuhay ng kanyang halik, natiyak ni Vincento.
“Natalie, kaya ko nang tuparin ang paÂngako ko sa iyo—maibaÂbalik ko sa katawan mo ang iyong kaluluwa!â€
Hindi rumehistro sa kausap ang balita ni Vincento.
Naging mabilis ang pasya ni Vincento. “Kukunin ko sa buwan ang kaluluwa mo, Natalie! Ngayundin!â€
Napakabilis nang nilipad ng vampire ang kalawakan. (ITUTULOY)