ANG BANGKAY ni Natalie na hindi naÂagnas at nagkabuhay ay walang kaluluwa. Ito ang dahilan kaya walang alam sa nagaganap si Natalie, tahimik at laging nakatanaw sa kawalan.
“Ang kaluluwa mo ang magpapanormal ng buhay mo, Natalie. At titiyakin ko, hindi ka na iiwan ng iyong kaluluwa.†Ina-assure ni Vincento ang magandang dalaga.
Napangisi si Vincento. Hindi na nga pala dalaga si Natalie sa tunay na kahulugan nito. “Naangkin ko na ang pagkababae mo, hindi ka na virgin.â€
Hinawakan ng vampire ang kamay ni Natalie. “Ikaw ay isang ‘dala na’. At ako ang nakauna sa iyong pagkababae, Natalie.â€
MALAKING hamon kay Vincento kung paano mapababalik sa katawan ni Natalie ang kaluluwa nito.
Ang alam ng vampire, ang kaluluwa ng dalaga ay wala sa Daigdig.
Naabot na ng ‘signal’ ng isipan ni Vincento ang Impiyerno; natiyak sa ilang contact doon na wala ang kaluluwa ni Natalie.
Hinanap na rin ito ng kanyang ‘signal’, sa Purgatoryo. Wala rin doon ang kaluluwa ni Natalie, ayon sa kanyang reliable source.
Kung gayo’y iisa na lamang ang puwede niyang paghanapan sa kaluluwa ni Natalie. “Sa Langit…dapat kong matunton sa Langit ang kaluluwa…†NASA Langit nga ang ispiritu o kaluluwa ni Natalie. Maligaya sa Kaharian ng Diyos ang dalagang naging mabait noong nabubuhay pa.
Merong kalayaan ang kaluluwa ni Natalie na magpasyal kahit saan sa Sanlibutan; maging saan man sa Uniberso.
Narating na niya ang Venus at Mars. Gayundin ang Pluto.
May isinangguni ang kaluluwa ni Natalie sa guardian angel. “Nais ko po sanang bumisita sa Buwan…â€
Seryoso ang sagot kay Natalie. “Natalie, ang Buwan ay napakalapit sa Daigdig. Posibleng mahagip ka roon ng kaaway ng kabutihan.â€
“Mag-iingat po ako habang nasa Buwan.â€
Pumayag ang bantay na anghel. “Pero isang araw ka lamang doon, Natalie— base sa oras sa Mundo.â€
Tuwang-tuwang naglakbay na ang kaluluwa ni Natalie. Sa loob ng ilang sandali, mararating na niya ang Buwan. (ITUTULOY)