^

Para Malibang

Sex para sa kalusugan

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Last Part

Mental Health - Para pataasin ang mood, labanan ang depression at anxiety, sex ang kailangan ayon kay Patricia Tan, MD,  board-certified internist sa Arizona. “Psychologically, sex improves one’s mental health by building intimacy and reducing stress.” Sa pamamagitan ng sex, bumababa ang cortisol level, kaya bumababa ang tsansa ng pagtaas ng blood pressure, hyperglycemia at pagtaas ng acidity sa tiyan.

Sakit ng ulo - Masakit ba ang iyong ulo? Ang gamot diyan ay sex. Ayon kay Dr. Ebanks, may ugnayan ang sex at pain management. Sa pamamagitan ng sexual arousal at orgasm, ang hormone na oxytocin ay lumalabas sa katawan at nagre-release ito ng endorphins na mga natural opiates. Imbes na uminon ng Biogesic o Advil, ang sex ay parang analgesic.

Bladder control - Maaaring hindi kayo mani­ni­wala ngunit ang sex ay nakakabawas ng incontinence o problema sa pagkontrol ng pag-ihi, ayon sa mga experts. Laging inirerekomenda ng sex therapists sa mga babae ang Kegel exercises (pagpi-flexi ng muscles sa pelvic floor). Hindi lang ito nagbibigay ng pleasure sa sex, pinapalakas din nito ang mga naturang muscles na may kinalaman sa incontinence. Maaaring gawin ang  Kegels e­xercise kahit saan, kahit nakikipag-sex kaya huwag mahiya. Dahan dahang i-flex o i-tighten ang pelvic floor muscles tulad ng ginagawa kapag pinipi­gil ang pag-ihi, ng tatlong segundo at i-release.

Healthy skin - Nakakapagpaganda ang sex. Ma­aaring hindi kayo maniniwala ngunit ayon kay Eric Braverman, MD, founder ng PATH Medical Center sa New York City, ang pakikipag-sex ay nagrerelease ng key compound sa katawan  nakakapagpaganda ng complexion. Sa pakikipag-sex, ang katawan ay naglalabas ng hormone na tinatawag na DHEA (dehydroepiandrosterone). “It can boost the immune system, give you healthier skin and even decrease depression,” ani Braverman. Imbes na night cream, sex na lang, enjoy pa.

Narito ang ilang tips.

Glorious mornings – Ayon sa  doctoroz.com, ang mga lalaki ay may strong erection sa umaga at mataas ang hormone oxytocin sa mga oras na ito kaya mas gusto ng mga lalaki ang morning sex.

Fertile afternoons – Kung nais magkaanak, ayon sa mga expert, ang pinakamagandang oras ng pakikipag-sex para mabuntis ay sa hapon ngunit ayon sa Health24’s GynaeDoc, kahit na anong oras ay puwede.

Sleepy nights – Kung gusto mong matulog ng mahimbing, sa gabi gawin ang sexual activity. Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Digital Journal, mas gusto ng mga lalaki ang biglang pagdaloy ng oxytocin at seratonin pagkatapos ng sex na nagpapaantok sa kanila.

 

AYON

DIGITAL JOURNAL

DR. EBANKS

ERIC BRAVERMAN

IMBES

LAST PART

MAAARING

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with