Sex para sa kalusugan (1)
Alam nating may benipisyo para sa ating kalusugan ang sex. Hindi na kayo kailangang kumbinsihin dito dahil kahit walang benipisyo ang sex ay sigurado namang gagawin ninyo ito. Ngunit ayon sa mga expert, narito ang mga benipisyo ng sex sa ating kalusugan:
Nakakapayat- Hindi ka ba nakapag-gym o nakapag exercise? Sex ang pambawi. Ang sex ay para na ring exercise. Ayon kay Desmond Ebanks, MD, founder and medical director of Alternity Healthcare in West Hartford, Connecticut, nakaka-burn ng 75 hanggang 150 calories sa kalahating oras na sexual activity. Para kang nag-yoga, sumayaw o nag-walking sa pakikipag-sex.
Heart health - Maraming nagkakasakit sa puso na nagiging sanhi ng kamatayan. Kailangan ng low cholesterol at low salt diet upang mapangalagaan ang kalusugan ng puso. Makakatulong din ang sex sa heart health. “Sex is exercise that raises heart rate and blood flow,†sabi ni Dr. Ebanks. Sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of EpidemioÂlogy and Community Health, natuklasan ng mga researchers na ang pakikipag-sex ng dalawa o higit pa sa isang linggo ay nakakapagpababa ng panganib ng pagkakaroon ng atake sa puso.
Pampatulog- Nahihirapan ka bang matulog? Hindi ba nakakatulong ang pag-inom ng chamomile tea o iba pang remedy para dalawin ng antok? Maaaring makatulong ang sex kung nai-stress ka. Ayon kay Dr. Ebanks, ang mga taong madalas makipag-sex ay hindi gaanong nai-stress. “The profound relaxation that typically follows orgasm for women and ejaculation or orgasm for men may be one of the few times people actually allow themselves to completely relax. Many indicate that they sleep more deeply and restfully after satisfying lovemaking.â€
Immune system - Madali ka bang dapuan ng sakit? Makakatulong ang sex na panlaban sa sipon, virus at germs, ayon kay Dr. Ebanks. Sa pag-aaral ng mga researchers sa Wilkes University in Pennsylvania, anga mga taong may sexual actaivity ng dalawang beses sa isang lingo ay may 30% na karagdagang antibody na tinatawag na immunoglobulin A na kilalang nagpapalakas ng immune system.
- Latest