Mas masarap magtrabaho o mag-isip kapag malinis ang iyong kapaligiran. Maaliwalas kasi ang iyong pakiramdam kaya magaan mong nararamdaman ang mga positibong bagay sa iyong paligid. Pero, marami rin tao na nahihirapan panatilihin ang malinis at maayos na lugar ang kanilang ginagalawan. Narito ang ilang paraan upang maging maayos ka sa iyong mga gamit:
Maruming lamesa – Kung sa tingin mo ay maliit ang espasyong iyong ginagalawan, lalo na ang iyong lamesa, dapat mo talagang ayusin ang lahat ng nakalagay dito. Bakit hindi mo subukan na ilagay lahat ng iyong mga naka-pending na gawain sa kaliwang bahagi ng iyong lamesa at ang lahat naman ng iyong mga natapos na trabaho sa iyong kanan. Sa ganitong paraan, madali mo ng mahanap ang mga bagay na kailangan mo pang harapin. Maglagay din ng “waiting on pile†kung saan dito mo naman ilalagay ang mga trabahong kailangan mong sagutin sa lalong madaling panahon.
Tiyakin mo rin na malinis ang mga folder na paglalagyan mo nito, para agad na makita kahit sa isang tinginan lang.
Pagbubukod – Para mas maging madali sa’yo makita ang lahat mong trabaho, dapat ay pagbukud-bukurin ang mga dokumentong hindi importante at mga papel na importante. Dahil dito, tiyak na hindi mo mawawala ang mga mahahalagang bagay na dapat na nakatago.
Gamitin ang iyong “wall space†– Para sa mas malinis na “work placeâ€, bakit hindi mo gamitin ang mga espasyo ng pader na katabi ng iyong lamesa? Maaari mo itong lagyan ng cork board para dito mo na lang ididikit ang mga papel na ginagamit mo bilang reminder.
(Itutuloy)