BINAGSAKAN ng ama ni Natalie ng telepono si Sam, buong akala ay nababaliw na ang binata. “Imagine, Clara, ang sabi ni Sam, nabuhay daw si Natalie! At nais daw lumabas ng anak mo sa musoleo!â€
Nayanig sa narinig ang ina ni Natalie. “Kinikilabutan ako sa pinagsasabi ni Sam, Tony. Ano ba ang dapat nating gawin…?â€
“Pinalalayas ko si Sam sa musoleo, ewan kung sinunod ako. Pupuntahan ko, kapag nando’n pa rin, ipapupulis ko na.â€
“Sasama ako sa ‘yo, Tony. Baka kung ano na ang ginawa ni Sam sa anak natin.†Naliligalig na naman ang mag-asawa.
Saglit pa’y sakay na sila ng kotse. Bruuummm.
SA MUSOLEO, si Father Renzo na ang kinokontak ni Sam sa cellphone. “I’m not crazy, Father Renzo. Makikita n’yo mismo—nabuhay nga po si Natalie…â€
“Talagang pupunta ako agad diyan, Sam. Nanghihinayang ako sa iyo—baka makumbinsi kitang magpatingin sa psychiatrist. Nasa isip lang ‘yang problema mo.†“Father Renzo, ako ho ang magbo-volunteer na magpa-confine sa mental hospital kapag napatunayan ninyong nagsisinungaling ako.†Sinulyapan ni Sam si Natalie. Nananatili itong nakamukmok, tampung-tampo sa kanya. Nilapitan ito ng binata, tapos nang makipag-usap sa pari. “Natalie, sweetheart…relax ka lang. Hindi kita pababayaan…â€
Titig na punumpuno na ng hinanakit ang nasa mga mata ni Natalie. Tama si Sam, wala nang kakayahang magsalita ni Natalie; gaya na rin ng kaluluwa na tahimik lamang.
“Kung mauunawaan ko lamang ang nasa isipan mo, Natalie…kaso ay ordinary mortal lang ako…†Niyakap ni Sam ang nabuhay na bangkay.
Muli ay nadama ng binata ang init ng katawan ni Natalie; walang sinumang magsasabing bangkay na malamig ang dalaga.
“I’m sure padating na ang parents mo, Natalie, pati na rin si Father Renzo. Pero silang tatlo, sad to say, ay hindi naniniwalang nabuhay ka…†Nakatitig sa mukha ni Natalie si Sam, hinahagod ang buhok nito.
Parang walang narinig ang dalaga, lampasan ang tingin, nakatanaw sa kawalan. Napapalunok si Sam. MAGKASABAY na dumating sa musoleo ang parents at ang pari, pawang kinakabahan.
(ITUTULOY)