‘The Kiss’ (12)
HINDI nagsayang ng mga sandali si Sam, dala ang kotse na nagpunta agad sa private cemetery. Sa harap na ng musoleo siya pumarada.
Naghihintay na roon si Mang Tor. “Sir Sam, gud morning po.â€
“Wala kayong ginalaw, ha, Mang Tor? Kung ano ang nakita n’yong bakas, ‘yon pa ring nandiyan?†magkasunod na tanong ng binata.
“Sakto po, sir. Walang ibang nakalapit mula kanina. Tayo lang ho ang nakakaalam, hindi ko pa po ini-report sa mga sekyu.â€
Sinuri agad ni Sam ang mga bakas ng putikang sapatos. Tama ang sepulturero, sapatos ng lalaki ang nakamarka sa tatlong baytang ng musoleo.
At papasok nga ang bakas sa loob.
Malaki ang size ng sapatos na putikan, napansin ni Sam. Ibig bang sabihi’y malaking lalaki ang nagtangkang pumasok?
Inalog-alog ni Sam ang malalaking kandado ng pintong antigo. Hindi iyon nabuksan, natiyak niya.
Kung gayo’y walang nakapasok; hanggang pagtatangka lamang.
Binuksan agad ni Sam ang pinto ng musoleo, gamit ang mga susi.
Kre-e-e-ek. Lumikha iyon ng pamilyar na langitngit.
“Mang Tor, ako na lang po muna sa loob. Puwede na ho kayong umalis. Salamat ho.â€
“Nandito lang po ako sa tabi-tabi, Sir Sam. Tawag lang po kayo kung may kailangan.â€
Pumasok na sa musoleo si Sam, binuksan ang mga ilaw. Isinara niya ang pinto mula sa loob. Klak.
Iginala niya ang tingin, sa bawat sulok ng musoleo. Wala siyang nakitang anumang palatandaang may nakapasok.
Napapabuntunghiningang lumapit na siya sa kinahihimlayan ni Natalie. “Naging maligalig ang magdamag, Natalie. Pero okay lang. walang sinumang nakapasok dito.â€
Naalala niya sng lalaking mukhang dayuhan, na nakapagtago sa dilim. Ayaw niyang isiping sa lalaking ito ang putikang bakas ng sapatos.
“Kung puwede nga lang ba kitang tanungin, Natalie—kung ang nakita kong lalaki ay siya ring nanghalik sa iyo noon—ten years ago…â€
Titig na titig siya sa maamong mukha ng dalaga; para lang itong natutulog; hindi mukhang bangkay.
Nagbukas ng mga mata si Natalie, nakatingin kay Sam.
“Oh my God!†Napaigtad si Sam.
(ITUTULOY)
- Latest