Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na mas marami pang namamatay sa cork ng champagne kumpara sa makamandag na gagamba sa Amerika.

Ito ay kapag natamaan sila ng biglaang paglipad ng cork kapag nagbubukas ng wine.

Nagkakaroon din ng sunog sa bansang ito tuwing ika-45 segundo. Noong 1998 naman, 48 katao ang namatay sa Amerika dahil sa aksidente sa rol­lercoaster. Mayroong isang lugar sa Maryland na palaging naaaksidente ang mga motorista. Ito ay ang daan na nag-uugnay sa Maryland sa iba pang karatig lugar, tila nagkakatotoo ang warning sign na nakalagay patungo dito na nagsasabing: “Accident Ahead”. Sa Britain, 43 adults ang naitalang namatay sa loob ng kanilang bathtubs noong 1999.

 

Show comments