Naisahan ng boyfriend

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mawi, 23, single pa rin. Noong bata pa ako, madalas akong pa­ngaralan ng parents ko na mag-aral mabuti at huwag agad mag-aasawa. Iminulat din sa akin ang kahalagahang pangalagaan ang pagka­babae ng isang dalaga at ang kasal ay sagrado at hindi dapat gawin ng magkasintahan ang mga bagay na para lamang sa mga mag-asawa. For the longest time, sumunod ako sa mga pangaral na ito. Pero recently, nagkaroon ako ng bf na mahal na mahal ko. Actually, he is the third na naging bf ko pero sa kanya ako naging seryoso. Naibigay ko sa kanya ang pagka­babae ko. Ngayo’y nag-aalala ako. Nagsisisi ako sa aking ginawa dahil bihira na akong siputin ng bf ko. Sa aking pag-iisa ay naiiyak ako. Mabigat ang sumbat ng aking konsensiya at parang hindi ko ma-take. Ano ang gagawin ko?

Dear Mawi,

May kasabihang “what is done can no longer be undone.” Lahat ng tao ay nadarapa. Pero hindi dapat manatili sa pagkakadapa ang tao kundi bumangon at learn a lesson from his/her failures. Kung tuluyan kang iwanan ng nobyo mo, natural na masaktan ka pero hindi dapat matapos ang pag-ikot ng mundo para sa iyo. Keep on living, but this time, be wiser. Ngayon natanto mo ang kahalagahan ng pangaral ng iyong mga magulang.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments