SA MUSOLEO, naganap na ang muling paghalik ng dayuhan sa mga labi ni Natalie.
Napakabanayad ang halik na ito. Kaytagal na nanatili sa mga labi ng bangkay na hindi naaagnas.
Sinabayan pa ito ng banayad ding paghagod ng lalaki sa makapal na buhok ni Natalie.
“Natalie.â€
Pangalan lamang ng dalaga ang sinasambit ng misteryosong lalaki. Ayaw ilahad kung ano ang susunod na mangyayari sa hinalikan.
“Natalie.â€
Nanatiling nakahimlay sa kabaong si Natalie, patay na patay pa rin; malamig na bangkay pa rin sa nagdaang sampung taon.
Mayamaya pa ay paalis na sa musoleo ang misteryosong foreigner. Kusang bumukas ang malaking pinto.
Muling lumangitngit. Kre-e-e-ek.
Nang nasa labas na ay muling tinapatan ng kamay ang malalaking kandado. Kusang nag-lock ang mga ito. Klak. Klik.
Saglit pa’y rumagasa na sa dilim. Super-bilis na nagtatakbo. ZAAAPP.
Napaigtad ang mga nagrorondang sekyu. “Ano ‘yon?â€
“Napakabilis na ewan kung ano! Tao ba? Malaking hayop?â€
Namutla sila. “B-baka…aswang?â€
Klak. Klak. Ikinasa nila ang dalang mga baril. Hindi nila sasantuhin ang anumang impaktong maeengkuwentro.
“P-paano kung kapre? O kaya’y tikbalang?†Alam nilang malalaki ang dalawang alagad ng dilim.
“Barilin agad natin! Huwag tayong maniwalang hindi sila tinatablan ng bala!â€
“ Kung aswang, kapag nagbalik sa anyong-tao, tiyak na puro tama ng bala natin! At makikilala ang identity nila, mga p’re!â€
SA LOOB ng musoleo, may mga kaluskos na maririnig. Tsikizz.Tsikizz. Tsikizz…Tsikizz…
Tila nagmumula ang mga ito sa isang pares ng tsinelas na pakaladkad kung ihakbang.
(ITUTULOY)