Benepisyo ng Pinya
Last Part
4. Pinapanatiling malusog ang gilagid
Marami sa atin ay pinapanatiling maayos at malusog ang mga ngipin pero nakakalimutan bigyan ng importansiya ang pagpapanatiling malusog ang mga gilagid na parehas dapat ingatan at pahalagahan dahil ito ang kinakapitan ng ating mga ngipin. Kapag ang isang tao ay hindi maganda ang kondisyon ng gilagid sa katagalan ang ngipin ay mabubulok at masisira. Ang pagkain ng pinya ay nakakapagpalakas ng mga gilagid na nakakatulong upang maging matibay at malusog ang mga ngipin.
5. Pinapababa ang panganib ng Macular Degeneration
Ang pinya ay kilala sa upang makaiwas sa ibat ibang uri ng sakit. Ang isang halimbawa dito ay ang macular Degeneration. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng panglalabo o pagkawala ng paningin dulot ng pinsala sa iyong retina. Ang pagbabasa, makakilala ang taong kaharap at gawin ang mga gawain sa araw-araw ay mahihirapang gawin dulot ng ganitong sakit. Ang pagsama ng pinya sa araw-araw na pagkain ay nakaka-pagpababa ng 36 porsiyento ng panganib sa ganitong uri ng sakit. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng beta carotene na tutulong upang magkaroon ng maayos na paningin.
6. Pinagiginhawa ang pakiramdam ng taong may arthritis
Sapagkat ang prutas na ito ay nakakawala ng pamamaga o anti-inflamatory, ang pagkain ng pinya ay nakapagpapaayos ng kondisyon ng mga buto. Bukod sa arthritis, ito ay nakakapagpaayos ng kondisyon ng mga buto. Bukod sa arthritis, ito ay nakapagpapaigi ng carpal tunnel syndrome at gout.
- Latest