Ang pinya ay isa sa pinaka popular na prutas sa buong mundo. Ito ay matamis, makatas at masarap. Mahalaga ito sa ating kaluugan dahil nakapagbibigay ito ng nutrients na kailangan ng ating katawan upang maging malusog at malayo sa ilang mga sakit.
Mga benepisyo ng pagkain ng pinya:
1. Puno ng Bitamina at mineral
Ang pinya puno ng Bitamina at mineral katulad ng Bitamina A, C, calcium, phosphorus at potassium. Ito rin ay mayaman sa fiber at calories. Ang pinaka maganda rito sa prutas na ito ay mababa sa fat at cholesterol. Lahat ng nutrients na nakukuha sa pagkain ng pinya ay may magandang benepisyo sa ating kalusugan.
2. Tumutulong na makaiwas sa ubo at sipon. - Dahil ang pinya ay mayaman sa bitamina C, ito ay nakakatulong upang labanan ang virus na nagdudulot ng ubo at sipon. Kahit ikaw ay nahawahan ng nabanggit na sakit, ang pinya ay makakatulong upang ikaw ay gumaling. Itong prutas na ito ay may roong bromelain, kung saan ito ay epektibo upang hadlangan ang ubo at matanggal ang plema. Ang pagkain ng pinya habang umiinom ng tamang gamot na riseta ng doctor sa iyong sakit ay nakakapagpabilis ng iyong paggaling.
3. Nagpapatibay ng mga buto - Ang pinya ay popular din sa kakayahan nito na panatilihing malakas ang mga buto. Dahil ang prutas na ito ay mayroong manganese na napag-alaman na kailaÂngan ng ating katawan sa pagkakaroon ng matibay na buto at mga nag-uugnay na mga kalamnan. Sa katunayan ang pagkain ng isang cup ng pinya ay makakakuha ka ng 73 porsiyento ng manganese na kailangan ng iyong katawan. (Itutuloy)