Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang shell o balat ng itlog ay mayroong 17,000 na maliliit na pores o butas na hindi nakikita ng mata? Ang nilagang itlog ay mas mabilis balatan kung ang itlog ay isa o dalawang linggo na. Para malaman mong hilaw o luto ang itlog, paikutin mo ito sa lamesa, kapag ang itlog ay umikot ng mabilis, ito ay luto, kapag naman mabigat ang pag-ikot nito, ito ay hilaw pa. Kapag ang itlog ay nahulog at nabasag sa sahig, lagyan lang ito ng maraming asin  para mabilis na maalis ito.  Ang pula at puti ng itlog ay madaling paghiwalayin kung malamig ang itlog. Kapag  nakakita ka ng kulay berdeng bilog sa nilagang itlog, sobra ang pagkakaluto nito o kaya ay mataas ang lebel ng iron sa tubig na ginamit sa pagluluto dito. Ang itlog na kalalabas lang sa manok ay lumulubog sa tubig habang ang itlog na matagal ng nailabas mula sa manok ay lumulutang naman sa tubig. Habang tumatagal kasi, mas lumalaki ang space sa loob ng itlog kaya gumagaan ito at lumulutang. (mula sa www.goodegg.com)

Show comments