Uod sa kilikili

Panaginip: Sobrang kati ng aking kilikili. Kaya pala, maraming nakatumpok na uod sa aking kilikili. In real life, malinis ako sa aking katawan. Ano po kaya ang ibig sabihin ng uod sa aking panaginip?---Aries’90

Interpretation: Hindi tungkol sa kalinisan ang interpretation ng iyong panaginip kundi ito ay tungkol sa isang taong tamad na walang ginawa kundi umasa at humingi sa iyo ng mga kailangan niya. Ikaw naman, bigay nang bigay kaya sinasamantala ang iyong kabaitan. Nire-represent ng uod ang taong ito.

Show comments