^

Para Malibang

Umasenso dahil sa basura

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Donald, 20 years old. Matatawag mo akong isang batang lansangan. Pulubi lang ang mga magulang ko at ako’y ipinanganak sa kariton. Pero hindi naging hadlang sa buhay ko iyan. Hindi ako namalimos. Namulot ako ng basura at dinadala ko upang ibenta sa junkshop. Hanggang sa umasenso ako. Napamahal ako sa may-ari ng junkshop na isang matandang binata. Sinuklian ko ng kabutihan ang kanyang kabaitan. Nang siya ay pumanaw, sa akin niya ibinigay ang negosyong iyon. Hindi man ako mayaman ay nakaraos nang matiwasay. Squatter mang matatawag ay komportable ang buhay. Pero ito ang naging problema ko. May kasintahan ako. Hindi rin mayaman pero naninirahan sa isang apartment kasama ng kanyang mga magulang. Tutol sa akin ang mga magulang niya dahil magbabasura lang daw ako. Ano po ang gagawin ko?

Dear Donald,

Kahit tutol ang mga magulang niya, kung talagang mahal ka ng kasintahan mo ay ipag­lalaban ka niya. Pero kung sunud-sunuran ang nobya mo sa dikta ng kanyang mga magulang, wala kang magagawa. Pero nakakabilib ang iyong dinaanan. Ang hirap na dinanas mo ay isang halimbawa na kahit sinong tao’y biibigyang ng Diyos ng pagkakataong umasenso. Bata ka pa naman, magsumikap ka pa at taasan mo pa ang iyong pangarap. Sa tulong ng Diyos at ng iyong pagsisikap, uunlad ka.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANO

BATA

DEAR DONALD

DEAR VANEZZA

DIYOS

HANGGANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with