“SAPOL ka sa ulo ng bukong nalaglag, Black Angel, bukol ba?†natatawang kantyaw ni Richard.
“Makasalanan kasi kaya nakakarma,†mataray na dagdag ni Wendy.
Kunot-noong tinitigan sila ng itim na anghel. “Kanina habang tangay ko kayo mula sa pagkalunod sa dagat, napakabait ninyo…tiniyak ninyong hindi ako mapipikon...
“But now na hindi na kayo malulunod, nagbalik kayo sa paglait sa akin. Why, guys?â€
“Kasi’y nakalilito ka, Black Angel. Iniligtas mo nga kami sa mga nais pumatay sa amin ni Wendy, ‘yun pala naman ihuhulog mo kami sa dagat na puro pating!â€
“Bukod doon, kung magsalita ka’y kakampi ka na ng Diyos—pero heto at dito mo kami dinala sa walang silbing isla! Para ano? Para parusahan na naman kami, ha, Black Angel?â€
“Sa Diyos lamang kami nananagot ni Wendy, Black Angel—hindi sa iyo na doble-cara!â€
Bumalatay ang galit sa mukha ng itim na anghel. “Doble-cara ako? Double-faced?â€
“Oo! Pro-God ka kuno pero gawa ng devil ang pahirap mo sa amin ni Richard!†taray ni Wendy, nanginginig na sa ginaw dahil basambasa ang suot.
Napailing ang ex-priest na naging Black Angel. “Mahirap umintindi ang ayaw umintindi. Kayo, Richard at Wendy, ang doble-cara. Kapag nasa paÂnganib, natatawag ang lahat ng santo. Kapag ligtas sa panganib, balik sa makasalanang buhay.â€
Napailing ang magkasintahan, alam na walang patutunguhan ang pakikipag-argumento sa lalaking may mga pakpak.
“First things first, Black Angel—kailangan naÂming maghubad ng lahat ng basang damit, para hindi kami mapulmunya.â€
“Puwede ninyo akong piringan sa mata,†sagot ng Black Angel, “hanggang sa matuyo ang inyong mga damit.â€
Duda si Wendy. “Makikitaan mo pa rin ako kahit ka naka-blind-fold—dahil tiyak na meron kang x-ray vision!â€
Napikon ang Black Angel, iniwan sila.
(ITUTULOY)