Ang ating kidney ay may mahalagang papel sa paglabas ng toxin mula sa ating katawan. Sinasala nito ang dumi sa ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang kidney ay responsable sa paglabas ng iba’t ibang klaseng hormones katulad ng Erythropoietin (responsible sa paggawa ng red blood cells), sa pagpapagana ng vitamin D3 (upang maging malakas ang ating mga buto, renin-angiotensin prostaglandins (para sa pagbabalanse ng presyon ng dugo).
Mga dahilan upang masira ang ating kidney:
Sobrang katabaan
Flouride sa supply ng tubig
Paggamit ng non stick cookware (Teflon) at ibang mga gamit sa bahay
Sumailalim sa root canal treatment na gumamit ng dental mercury amalgams
Exposure sa toxic mold sa ating tahanan at iba pang lugar
Paggamit ng pestesidyo, mga sabong panglaba, at iba pang nakalalasong panglinis
Paggamit ng artifial sweeteners (Acesulfame potassium, Aspartame, Neotame, Saccharin at Sucralose).
Pagkunsumo ng fructose, sodas at candies
Kidney disease ay tinatawag na ‘silent disease’ narito ang ilan sa mga sintomas:
Dugo sa ihi (haematuria)
Pagkakaroon ng bula sa ihi
Pamamaga sa paligid ng mga mata at bukong- bukong (oedema)
Kirot sa likod (sa ilalim ng tadyang, kung saan ang kidneys ay naroon)
Hapdi o mainit kapag umiihi
Sa katagalan, kapag ang kidneys ay nagsimulang manghina, nagkakaroon ng pagbuo ng dumi at likido sa dugo at ibang pang problema na nagreresulta ng:
Kapagalan, kawalan ng kosentrantrasyon
Hindi magandang pakiramdam
Kawalang ganang
Pagduduwal at pagsusuka (Nausea)
Nahihirapang huminga (Itutuloy)