Ang make-up mo ba ay ‘expired’? First Part

Masarap talaga ang feeling ng maganda at nakakatanggap ng komplimento mula sa mga taong  mahal mo at sa mga nakapaligid sa’yo. Kaya lang minsan, hindi mo napapansin na paso o expired na pala ang make-up mo lalo na kung nabura na sa label nito ang expiration date nito.  Pero, ‘wag kang mag-alala ate, dahil malalaman mo pa rin kung expired na ito kahit pa ginagamit mo ang make-up mo. Narito ang ilang paraan paano mo ito malalaman:

Mascara – Ito ang make-up na dapat na mong bantayan ang pagkapaso. Ayon sa cosmetic chemist na si Jim Hammer, sa tuwing gagamitin mo ang brush ng mascara ay maaaring napupuno na ito ng bacteria kada gamit mo nito. Dahil dito ang bacteria ay maaaring mapunta sa loob ng iyong mga mata at  maging sanhi ng pangangati at pamumula  nito. Para sa iyong kaligtasan, magpalit ng mascara tuwing ikatlo hanggang ikaapat na buwan, naubos mo man ito o hindi.

Foundation – Ang ganitong uri ng make-up ay water-based kaya naman 100% ay pamumugaran ito ng bacteria. Ang foundation na hindi pa nabubuksan ay maaaring tumagal ng dalawang taon, pero, kung ito ay nabuksan na, dapat lang itong gamitin ng anim na buwan hanggang isang taon. Dapat din itong itago sa mga lugar gaya ng bathroom at malayo sa init. Ito ay dahil mas dadami ang bugs na naninirahan sa iyong foundation.

Show comments